| Исполнитель: | ASOP (English) |
| Пользователь: | Mark Ven Lambot |
| Длительность: | 130 секунд |
| Начальная пауза: | 12 секунд |
| Названия аккордов: | Не установлено |
| Матерная: | |
| Комментарии к подбору: | Нет |
Verse 1:
Pagmulat ng aking mata
Natatanaw ang Iyong mukha
Ligaya ay nadarama
Sa piling mo Ama
Verse 2:
Salamat sa pagpapala
Kahit pa nagkakasala
‘Pagkat nasisilayan pa
Mundo na kay ganda
Pre-Chorus:
Naririnig ang Iyong tinig
Tila isang gintong awit
Sa aki’y naghahatid
Dalisay Mong pag-ibig
Chorus:
Purihin Ka aking Ama
Panginoon, dakila Ka
Bawat biyayang nakakamtan
Aking hahagkan
Pupurihin Ka hanggang sa kailanman
Verse 3:
Salamat Oh aking Ama
‘Pagkat mayro’ng umaga pa
Isang araw na alay Mo
Buhay natatamo
Verse 4:
At sa pagsapit ng dilim
Ika’y bituing magniningning
Walang sawa na titingin
Hanggang sa mahimbing
Pre-Chorus:
Maging sa aking panaginip
‘Di nawawalay sa isip
Laging mamahalin
Tanging sasambahin
Chorus:
Purihin Ka aking Ama
Panginoon, dakila Ka
Bawat biyayang nakakamtan
Aking hahagkan
Pupurihin Ka hanggang sa kailanman
Bridge:
Bawat tibok ng puso ko
Bawat araw ng buhay ko
Iaalay lamang sa‘Yo
Chorus:
Purihin Ka aking Ama
Panginoon, dakila Ka
Bawat biyayang nakakamtan
Aking hahagkan
Pupurihin Ka hanggang sa kailanman
Ending:
Purihin Ka aking Ama (Purihin Ka, Ama)
Panginoon, dakila Ka (Dakila Ka)
Bawat biyayang nakakamtan
Aking hahagkan
Pupurihin Ka hanggang sa kailanman
Pupurihin Ka hanggang sa kailanman